Sabado - May 21, 2011, itinuring ko ang araw na ito bilang isang ordinaryong araw. Samakatuwid, hindi ako nagpagoyo kay Harold Camping na katapusan na ng mundo ang araw na ito hindi tulad ng mga panatiko niyang nakarating pa sa Pilipinas para lang ipamalita ang di magandang balita. At dahil wapake ako sa prediksyon ni Camping, natuloy pa rin ang mga balak ko para sa araw na ito.
At ito ang aking kuwento:
Noong ika-anim ng Mayo, aksidenteng nagtampisaw sa tubig ang aking kamera nung kasagsagan ng ulan sa lalawigan ng Quezon dahil inabutan ng tubig dagat sa pampang noong kami'y naglangoy. Sabi ng aking tropa na nag-aaral ng potograpiya, tanggalin ko daw ang mga baterya at memory card at huwag ko munang buksan sa takot na mag-short circuit sa loob. Noong ika-14 ng Mayo, dinala ko ang mahiwagang camera sa Canon Service Center na di ko binuksan ng ilang araw upang ipatingin sa kanilang mga technician. Ayon sa kahera, ieestima muna ng mga technician kung magkano ang babayaran ko dahil "water damage" ang naranasan ng aking camera. Makalipas ang tatlong araw, tumawag ang taga Canon at sinabi na base sa estima, 12,000 piso ang dapat kong bayaran sa pagpapa-repair. Dahil di ko ma-take ang presyong ibinigay, sinabi ko na i-pull out ko na lang ang aking camera. Sinong tangang magpapagawa pa ng camera na yan? Sa isip-isip ko, bibili na lang ako ng bago.
At dahil pagsubok lang yan na kailangang labanan.